Ang Mga Opisyal, Panturo, at Pambansang Wika at Batas na Nagtakda
Ang mga talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng gamit ng opisyal na wika, wikang panturo, at wikang pambansa at maging ang mga batas na nagtakda.
Batas na nagtatakda sa:
Ano ang silbi ng:
Ano ang:
Ang Opisyal na Wika, Wikang Pambansa, at Wikang Panturo
Ang opisyal na wika, wikang pambansa, at wikang panturo ay may iba't ibang papel sa ating lipunan. Ginagamit ang opisyal na wika sa opisyal na pakikipagtalastasan ng ating pamahalaan sa loob at labas ng ahensya. Ang mga wikang ito ay mahalaga sa mas malinaw na pakikipagkomunikasyon. Ang wikang panturo ang wikang ginagamit sa loob ng paaralan. Ito ang mga wikang pangunahing naghahatid ng impormasyon at nagtatakda ng komunikasyon sa pagitan ng mga kapuwa guro, kapuwa kamag-aral, guro at mag-aaral, at sa pagitan ng mga taong nasa loob ng paaralan. Ang wikang pambansa naman ay binuo upang magkaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ang mga Pilipino.
Nilalayon din ng nasabingexecutive order ang mga sumusunod:
Opisyal na Wika ng Pilipinas
Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 7 ng Saligang Batas ng 1987, binabanggit na, "Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggang walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles." Ibig sabihin, sa kasalukuyan, mayroon tayong dalawang opisyal na wika, ang Filipino at Ingles. Noong ika-18 ng Agosto 1988, pinirmahan ng dating Pangulong Corazon Aquino ang Executive Order 335 na nag-uutos sa lahat ng sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino bilang opisyal na wika sa transaksyon at komunikasyon ng mga sangay ng pamahalaan.
Opisyal na Wika
Lahat ng bansa ay mayroong opisyal na wika. Kinakailangan ito upang magkaroon ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa mga desisyon, patakaran, at korespondensya ng pamahalaan. Ginagamit ang opisyal na wika sa talastasan at mga transaksyon ng pamahalaan sa loob at labas ng mga ahensyang kabilang nito. Sa bisa ng isang batas na nakapaloob sa Saligang Batas, napipili ang isang wikang siyang maging opisyal na wika. Dumadaan sa serye ng konsultasyon sa iba't ibang pangkat ng tao ang pagpili sa opisyal na wika.
Mga Paalala
Laging isulong ang wikang Filipino sapagkat maliban pa sa pagiging opisyal na wika ay ito rin ang ating pambansang wika.
Ang wikang opisyal, wikang panturo, at wikang pambansa ay mayroong mahahalagang papel na ginagampanan sa ating lipunan.
Mahahalagang Kaalaman
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa pagkatuto at pagsasalin ng kaalaman.
Ang bilungguwalismo ay ang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo at pagasalin ng kaalaman: Filipino at Ingles.
Ang multilingguwalismo ay ang paggamit ng higit pa sa dalawang wika sa pagtuturo at pagsasalin ng kaalaman: katutubong wika, Filipino, at Ingles.
Bagaman isinusulong ang paggamit at pagpapalaganap ng unang wika at wikang pambansang Filipino, nililinaw rin na hindi isinasantabi ang Ingles bilang wikang global.
Pinaniniwalaang ang pag-aaral at pagiging bihasa sa unang wika ay nagbubunsod ng mas madaling pagkatuto ng iba pang wika.
Ang pagsisikap na maging mahusay sa unang wika at sa kalaunan ay sa wikang pambansa ay isang paghahanda tungo sa pagiging bihasa sa globalna wika at sa iba pang kasanayan.
Mga Paalala
Ang bilingguwalismo at multilingguwalismo ay mga patakarang binuo at ipinatupad sa bansa sa hangaring mapabuti ang kalagayan ng pag-aaral at pagkatuto ng mga Pilipino.
Sa dalawang patakarang ito, kinikilala ang papel ng wika sa pagpapalawak ng kaalaman at paglilinang ng kahusayan sa anumang larangan.
Binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagpili ng wikang gagamitin bilang midyum na panturo sa lahat ng antas.
Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:
natutukoy mo ang kahulugan ng bilingguwalismo at multilingguwalismo;
nailalahad mo ang kahalagahan ng pagtalakay sa bilingguwalismo at multilingguwalismo; at
naiuugnay mo ang mga patakarang nagsusulong ng bilingguwalismo at multilingguwalismo sa mas malawak na proyekto ng pagpaplanong pangwika.
Gabay na Tanong
Ano ang bilingguwalismo at multilingguwalismo?
Ano ang halaga ng mga konseptong ito sa moderno at nagbabagong panahon?
Kahalagahan ng Wika sa Pagkatuto at Pagsasalin ng Kaalaman
Ayon kay Lev Vygotsky (1978), isang Rusong sikolohista, "ang katalinuhan ay ang kapasidad na makinabang mula sa pagtuturo, kung saan may mahalagang papel sa pag-unlad ang wika." Kung gayon, kinikilala ang wika bilang kasangkapan sa pagkatuto at pantulong sa pag-unawa.
Sa pamamagitan ng wika, naipaaabot ng nagtuturo ang kaalaman sa kaniyang tinuturuan. Maaaring maging mainam na tulay ang wika kung bihasa ang tinuturuan sa wikang panturo.
Sa kabilang banda, maaari namang maging balakid sa pagkatuto ang kawalan o kaunting kaalaman ng tinuturuan sa wikang panturo. Kung gayon, kritikal sa pagbibigay at pagtanggap ng kaalaman ang pagpili ng wikang gagamitin bilang midyum na panturo.
Bilingguwalismo
Ang bilingguwalismo ay nangangahulugang malayang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo at pakikipagtalastasan. Sa Pilipinas, ang mga wikang ito ay Filipino na ating wikang pambansa, at Ingles na wikang global.
Multilingguwalismo
Multilingguwalismo ang tawag sa paggamit ng wikang pambansa at katutubong wika bilang mga pangunahing midyum sa pagtuturo, pag-aaral, at pakikipagtalastasan, bagaman hindi isinasantabi ang wikang global na itinuturing bilang isang mahalagang wikang panlahat.
Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:
natatalakay mo ang kahalagahan ng opisyal na wika;
natutukoy mo ang batas na nagtatakda ng pagkakaroon ng opisyal na wika sa Pilipinas; at
naiisa-isa mo ang pagkakaiba ng opisyal na wika, wikang pambansa, at wikang panturo.
Gabay na Tanong
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng opisyal na wika?
Ano ang batas na nagtatakda ng mga opisyal na wika?
Ano-ano ang pagkakaiba ng opisyal na wika, wikang pambansa, at wikang panturo?
Paalala
Ang wikang panturo ay hindi basta pinipili. Kinakailangang may batas na magtatakda nito. Ang batas na nagsasaad na wikang Filipino at Ingles ang wikang panturo ay ang Artikulo XIV Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987. Samantala, ang batas na nagtatakda sa paggamit ng mother tongue o ng unang wika bilang wikang panturo ay ang DepEd Order 31 noong 2012.
Ang wikang panturo ay mahalaga upang maibahagi ng guro at matuto ang mag-aaral ng kaalaman at kakayahan. Upang hindi basta-basta mabago ang wikang panturo, mahalagang naisasabatas ito. Sa kasalukuyan, may tatlong wikang panturo sa bansa: mother tongue o unang wika, Filipino, at Ingles.
Buod
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay dapat na:
nakapagbibigay-kahulugan sa wikang panturo;
nakatutukoy ng kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang panturo; at
nakatutukoy ng pagkakaroon ng polisiya sa wikang panturo sa Pilipinas sa kasalukuyan.
Gabay na Tanong
Ano ang ibig sabihin ng wikang panturo?
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang panturo?
Ano ang kasalukuyang mga wikang panturo sa Pilipinas?
Kahulugan ng Wikang Panturo
Mahalaga sa lipunan at kulturang Pilipino ang edukasyon. Isa sa mga sangkap ng edukasyon ang wikang ginagamit sa pagtuturo. Sa mga dalubwika, ang wikang panturo ay (mga) wikang ginagamit o itinatalaga ng pamahalaan para sa edukasyon. Ang (mga) wikang ito ang siyang mahalagang ginagamit ng guro, mga administrador, at mag-aaral sa loob ng kani-kanilang paaralan.
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang wikang panturo ay opisyal na (mga) wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng pormal na sistemang pang-edukasyon.
Sa parehong depinisyon ng wikang panturo, mahalagang sangkap ang sumusunod:
Pamahalaan /Opisyal – kinakailangang may mandato ang wikang panturo mula sa pamahalaan.
Sistemang pang-edukasyon – ang wikang panturo ay nakasentro lamang sa sistemang pang-edukasyon. May pagkakataon na iba ang ang wikang panturo sa wikang pambansa (kaso ng India at Canada).
Kaalaman at/o Pagkatuto– nakatuon sa pagpapalalim at pagpapalawak ng pagkakaroon ng kakayahan ng mag-aaral na matutuhan ang mahahalagang asignatura.
Mahahalagang Kaalaman
Ang opisyal na wika sa Pilipinas ay Filipino at Ingles alinsunod sa Saligang Batas ng 1987.
Gagamitin ang mga nasabing wika sa opisyal na komunikasyon at transaksyon ng iba't ibang sangay ng pamahalaan.
Kasaysayan ng mga Wikang Panturo sa Pilipinas
Ang wikang panturo sa Pilipinas ay nabuo at umunlad sa pagdaan ng panahon.
Kahalagahan ng Wikang Panturo
Kung babalikan ang parehong pagpapakahulugan ng wikang panturo, binibigyang-diin nito ang wikang panturo na behikulo ng pagpapasa ng kaalaman at mahahalagang kakayahan ng isang bata upang maging handa sa paglaki at makapagtrabaho. Ilan sa punto kung bakit mahalagang usapin ang wikang panturo ay:
esensyal sa kakayahan ng mag-aaral na maipahayag ang sarili;
paraan upang makilala pang lalo ng mag-aaral ang sarili bilang mamamayan ng kaniyang bansa;
daluyan ng kaalaman at hindi dapat maging balakid sa mga mag-aaral sa pagkatuto;
tulay upang magkaunawaan ang mag-aaral, guro, at ang paksang pinag-aaralan; at
nagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng mag-aaral na matuto nang sabay-sabay.
Mga Wikang Panturo sa Pilipinas sa Kasalukuyan
Batay sa Artikulo XIV, Seksiyon 6, ng Konstitusyon ng 1987, Filipino at Ingles ang wikang panturo. Noong 2009, nagkaroon naman ng DepED Order no. 74 na nagsasaad na gagamitin na sa pag-aaral ang mother tongue o ang unang wika ng bata. Noong 2012, pinalakas pa ito ng DepED Order no 31, na nagsasaad na "Mother tongue shall be used as a medium of instruction and as subject for Grades 1 to 3. English and Filipino shall be used from Grades 4 to 10."
Ang Mother Tongue-Based Multilingual Education o MTBMLE ay naglalayong gamitin ang unang wika ng mag-aaral sa pag-aaral sa lahat ng asignatura mula Grade 1 hanggang Grade 3 maliban sa Filipino at English. Sa kasalukuyan, mayroong 19 na wika ang tinuturing na mother tongue.
Click to edit Master title style
Click to edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
6/19/2017
#
Click to edit Master title style
Click to edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
6/19/2017
#
6/19/2017
#
Click to edit Master title style
Click to edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
Click to edit Master text styles
6/19/2017
#
Click to edit Master title style
Click to edit Master text styles
6/19/2017
#
Click to edit Master title style
Click to edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
6/19/2017
#
Click to edit Master title style
6/19/2017
#
Click to edit Master title style
Click to edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
Click to edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
6/19/2017
#
Click to edit Master title style
Click to edit Master subtitle style
6/19/2017
#
Click to edit Master title style
Click to edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
6/19/2017
#
Click to edit Master title style
Click to edit Master text styles
6/19/2017
#
Click to edit Master title style
Click to edit Master text styles
Click to edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
Click to edit Master text styles
Click to edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
6/19/2017