Kaalaman, Damdamin, at Saloobin ng mga Mamamayan sa Bayan ng Mabini Upang Mapaunlad ang Turismo: Taong Panuruan 2017-2018
Isang Papel Pampananaliksik na iniharap sa Departamento ng Filipino, Senior High School, Humanities and Social Sciences, Pang ala- alang Mataas na Paaralang Nasyonal ng Anselmo A. Sandoval
Bilang Pagpapatupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t- Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
Nina:
Lorenz O. Plamo
Darlyn B. De Chavez
Diane Elaine B. Adap
Krystel D. Flores
Eliah Florenne A. Baronia
Marso, 2017
1
2
DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang papel pampananaliksik na ito ay pinamagatang, “Kaalaman, Damdamin, at Saloobin ng mga Mamamayan sa Bayan ng Mabini Upang Mapaunlad ang Turismo: Taong Panuruan 2017-2018,” ay inilahad at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa Departamento ng Filipino 2 na binubuo nina: Lorenz O. Plamo Diane Elaine B. Adap Eliah Florenne A. Baronia Darlyn B. De Chavez Krystel D. Flores Tinanggap sa ngalan Kagawaran ng Filipino, Senior High School, Humanities and Social Sciences Pang ala-alang Nasyonal ng Anselmo A. Sandoval, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t- ibang Teksto tungo sa Pananaliksik.
Loida B. Pulhin Gurong Tagapamatnubay ii 3
PASASALAMAT Una sa lahat ay taos-pusong nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa Maykapal na siyang tumulong sa amin upang maging matagumpay ang isinasagawa naming Papel Pampananaliksik. Kasama na rin ang mga taong nagbigay ng kanilang oras, tulong, kontribusyon, suporta at kooperasyon para sa ikatatagumpay ng pag-aaral na ito. Kay Gng. Loida B. Pulhin, ang guro ng Filipino 2, na buong pusong gumabay sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng pagsulat ng papel pampananaliksik na ito at nagbahagi ng kaniyang oras para bigyang pansin ang mga gawain ng mananaliksik. Sa mga respondenteng aming nakapanayam dito sa Mabini, partikular sa mga opisyal ng Munisipyo, tanggapan ng Turismo, mga naghahanap- buhay sa Resorts, kasama na rin ang ilang mamamayan ng Mabini na nagbukas ng pintuan para sa pagkakataong sila ay aming makapanayam. Naging malaking parte sila sa isinagawang pag- aaral ng mga mananaliksik.
-Mga Mananaliksik
iii 4
Talaan ng Nilalaman Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran nito
2
Introduksyon
2
Batayang Teoretikal
6
Konseptwal na Balangkas
8
Paglalahad ng Suliranin
8
Kahalagahan ng Pag-aaral
10
Saklaw at Limitasyon ng Pag- aaral
12
Depinisyon ng mga Terminolohiya
13
Kabanata II: Mga Kaugnay na Literatura at Pag- aaral
15
Mga Kaugnay na Literatura
15
Mga Kaugnay na Pag- aaral
17
Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
22
Disenyo ng Pananaliksik
22
Mga Respondente
22
Instrumentong Pananaliksik
23
Tritment ng mga Datos
24
Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
25
Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
32
Lagom
32
Kongklusyon
32
Rekomendasyon
33
Listahan ng mga Sanggunian
34
Apendiks
35
Apendiks A: Liham ng paghingi ng pahintulot sa
35
Pagsusurbey Apendiks B: Liham ng Paghingi ng Interbyu
37
Apendiks C: Sorbey Kwestyoner para sa mga
39
Respondante iv
5
Listahan ng mga Talahanayan Talahanayan 1
Pamagat
Pahina
Talahanayan ng mga Respondente
23
Listahan ng Grap Grap
Pamagat
Pahina
1
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
25
2
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Edad
26
3
Sektor ng Hanapbuhay ng mga Respondente ng
27
may Kaugnayan sa Sektor ng Turismo 4
Mga Respondenteng Naniniwala na may Naibibigay
28
na Tulong sa Kanila ang Sektor ng Turismo 5
Mga Respondenteng Sumang- ayon na Dapat
29
Magbukas ang Bayan ng Mabini sa Malalaking mga Negosyo 6
Mga Respondenteng may Kaalaman sa kanilang
30
Mga Gampanin at Responsibilidad bilang mga Mamamayan sa pagpapaunlad ng Sektor ng Turismo 7
Mga Respondenteng may Maimumungkahi na mga
31
Proyekto sa Pagpapaunlad ng Sektor ng Turismo
6
7
KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1. Introduksyon Ang bayan ng Mabini ay kinapapalooban ng iba't- ibang natural na magagandang tanawin at mga likas na yaman, ang isa sa mga dahilan nito ay ang
heograpiya
ng
bayan
bilang
isang
tangway
na
mayroong
mabulubundukin na rehiyon, kung kaya't malalaking bilang ng turista kada taon ang bumibisita dito, nagpakilala rin at nagpatanyag ang nasabing lugar sa buong probinsiya ng Batangas. Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ng pag- unlad ang bayan ng Mabini sa sektor ng turismo na nagbigay pangalan dito
bilang "pinakamagandang destinasyon
ng pagsisid"
dahilan sa
pagkakaroon nito ng malinis at malinaw na karagatan kung saan makikita ang iba't- ibang mga uri ng isda, korales at halamang dagat na sa rehiyong ito lang matatagpuan, kung kaya't malaki ang responsibilidad ng mga opisyal ng turismo sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalinisan dito. Bukod sa pagsisid, ay nakilala ang Mabini sa pagkakaroon ng matatayog na mga bundok, kung saan ay maaari mong makita ang kabuuang tanawin ng mga karatig bayan, ito ang dahilan kung bakit dinadayo ito ng mga turistang may hilig sa pag- akyat sa mga bundok. Ang pag- usbong ng turismo sa bayan ng Mabini ay may mahabang kasaysayan, ito ay nagsmimula pa noong panahon ng mga kastila, may ibatibang mga barangay ang nakilala dahilan sa angking ganda ng tanawin na
8
mayroon ito kung kaya't binisita ito ng maraming tao na nagmula pa sa iba'tibang rehiyon. Ang ilan sa mga kilalang mga purok pasyalan sa bayan ng Mabini ay karamihang matatagpuan sa sikat na lugar ng "Anilao" para sa mga maninisid, ito ang isa sa pinakamagandang lugar na katatagpuan ng iba'tibang uri ng mga yamang dagat, nagsilbi rin ito bilang daungan ng mga bangka mula sa iba pang isla tulad ng Tingloy, na nagsimula pa noong unang panahon. At upang mas maging maayos ang akomodasyon sa mga maninisid ay may mga resorts naman na nagbibigay ng iba pang lugar na maaari nilang pamilian, isa na dito ay ang Balayan Bay, Cape Bagalangit, Isla ng Sombrero, at Isla ng Maricaban na kilala naman sa tawag na "Tingloy." Bukod dito ay bukas din ang Maricaban Cemetery Beach, Red Palm Beach at ang Sepok para
sa
mga
turista
na
gustong
magpahinga
at
magkaroon
ng
pansamantalang katahimikan. Hindi man lahat ng beach sa Anilao, ay nakakapagbigay ng akomodasyon sa pagsisid, ay bukas naman ang mga ito sa nais kumuha ng mga balsa, upuan, mesa at iba pang mga pangangailangan ng turista. Pangalawa naman sa kilala pang barangay sa Mabini ay ang Mainaga, ito ang itinuturing na lugar kung saan matatagpuan ang mga nalalaking negosyo tulad ng Korporasyon ng Suntrak, CKU na pagawaan ng mga bakal, PNOC, at isa sa mga planta ng Petron kasama na rin dito ang mga bukas na tindahan ng Chechu Mart, PRAB Foodhaus at ang Mainaga Multipurpose Cooperative Mart na nagbibigay ng pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan at turistang bumibisita sa lugar. Pangatlo naman sa mga sikat na pasyalan ay ang Bundok ng Gulugod Baboy, kinapapalooban ito ng iba't- ibang bundok ng Calumpang Peninsula. 9
May tatlo ito tuktok, ang Gulugod Baboy, Pinagbanderahan at Tore, ang nga ito ay may bukas na daanan sa iba't- ibang baranggay tulad ng Anilao, Panay, Bagalangit, Ligaya, Laurel at Malimatoc I. Sa tuktok rin nito ay masisilayan ang isla ng Sombrero at Maricaban kasama na ang Mindoro at Isla Verde. Ang bundok na ito ay sikat bisitahin ng mga turista tuwing "Mahal na Araw". Bukod sa mga sikat na purok pasyalan na nabanggit ay marami pang barangay sa bayan ng Mabini ay kinapapalooban ng mga resorts at atraksyon tulad ng Barangay Ligaya, Mainit, Malimatoc, San Jose, San Teodoro, Solo at Talaga. Dahilan sa lumalaking bilang ng mga lokal at dayuhang turista na bumibisita sa mga naturang bayan, ay lumalaki na rin ang kanilang mga pangangailangan para sa mas komportable nilang pamamasyal. Sa mga pangangailangan na ito ay naging malaki ang interes ng mga negosyante sa bayan, dahil dito ay nagkaroon ng malalaking bilang ng resorts, restawran, malalaki at maliliit na tindahan at pamilihan, gasulinahan, purok pasyalan, mga bangko at komersiyal na mga gusali. Gamit ang maayos na pamamalakad ng mga opisyal ng munisipyo at magandang relasyon nito sa mga negosyante, malaki ang naibigay na oportunidad ng turismo sa mga mamamayan ng bayan ng Mabini, sapagkat nabigyan sila ng mga hanapbuhay na maaaring makapagbigay sa kanila ng kita upang matustusan ang pangunahing mga pangangailangan sa loob ng pamilya. Dulot na rin ng pagdami ng mga sasakyang pumapasok at lumalabas sa bayan kasama na ang pagsikip ng mga bangka sa daungan ay napagdesisyunan ng pamahalaan na maglabas ng pondo upang palawakin ang mga kalyeng 10
daanan sa ilang mga barangay ng Mabini, ngunit mahirap itong isakatuparan sa buong bayan, dahilan sa iba't- ibang mga dahilan, matagal pang panahon ang hihintayin bago maisakatuparan ang kabuuan ng proyekto na ito. Bagama't maituturing na maayos na ang daloy o takbo ng turismo sa bayan ng Mabini, ay may mga kakulangan pa rin ito sa mga pasilidad at pagsikip sa transportasyon, nangangailangan pa rin ang bayan ng ito ng iba't- ibang mga pamantayan para maituring na maunlad. Kung kaya't nangangailangan ang sektor ng turismo ng aktibong kooperasyon mula sa mga mamamayan at opisyal ng munisipyo sa pagbibigay solusyon sa mga pangunahing suliranin sa pasilidad, pagkasira ng mga natural na pasyalan at transportasyon, nararapat na sila ay magtulungan para sa ikauunlad ng bawat isa. Sa pagbuo ng iba't- ibang nga hakbang at programa ukol sa turismo ay malaki ang maiaambag na kasagutan nito sa mga suliraning kinakaharap ng turismo. Dahilan sa kung hindi ito mabibigyang pansin ay maaaring magdulot ito ng pagbaba ng porsyento ng mga turista, pagbaba ng kita ng mga negosyo at maaaring kawalan na rin ng hanapbuhay para sa mga mamamayan. Upang masugpo ang mga pangyayari na ito, ay malaki ang maitutulong ng simpleng pagbuo ng mga hakbangin bilang pagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga natin sa ating bayan. Napili namin ang paksang ito, dahilan sa malapit ito sa aming interes, at gusto pa naming mas makilala kung ano ang mga bagay na nakapaloob dito. Para sa aming mga respondente ang paksa ukol sa turismo ay bago at naiiba mula sa ginawang papel pananaliksik ng iba pa naming mga kamagaaral. Bago namin naisagawa ang pagpili ng paksa, ay nagsagawa kami ng 11
obrserbasyon, para sa amin ang isa sa mga napapanahong isyung panlipunan sa bayan ng Mabini ay ang sektor ng turismo dahilan sa mga suliraning kinakaharap nito. Hangad namin bilang mga mananaliksik na makapagsagawa ng isang pag- aaral para makapagbigay ng solusyon sa mga suliraning kinaharap nito, bukod dito ay layunin namin na maging makabuluhan ang magiging resulta nito ay maaaring makatulong kami sa bayan at lokal na pamahalaan. Maaaring matapos namin ito sa itinakdang panahon dahilan sa may mapagkukunan kami ng sapat at malawak na impormasyon mula sa libro, internet, mga dyornal at kaugnay na pag-aaral. Ang mga sarbey naman na aming inihanda ay aming ipinamahagi sa mga kakilala namin na karamihang nagtatrabaho sa mga resorts. 2. Batayang Teoretikal Sa aming isinagawang pag- aaral na nakatuon sa pagsusuri sa mga benepisyong hatid ng sektor ng turismo sa mga mamamayan at paghahanap ng solusyon para sa mga suliranin na kinakaharap nito, ay may mga teorya o paniniwala kaming nabasa mula sa loob ng internet, ang napili naming pagaaral na ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang isinasagawa naming papel pampananaliksik. Ayon sa isang pag- aaral nina Postrero at Garcia (Oktubre, 2004) na pinamagatang ‘’Pandaigdigang Kodigo ng Etika Para sa Turismo.” Sa paniniwala ng mga manunulat na ito, ang Turismo ay isang Salik para sa patuloy na Pagpapaunlad ng isang ispesipikong lugar o rehiyon, nakasaad dito na ‘’Dapat pangalagaan ng lahat ng namumuhunan sa
12
pagpapaunlad ng turismo ang likas na kapaligiran na may layuning makapagtamo ng matatag, tuluy-tuloy at maitataguyod na pag-unlad pangkabuhayan upang matugunan ang mga pangangailangan at mithiin ng kasalukuyan at darating na henerasyon; Lahat ng anyo ng pagpapaunlad panturismo na nakatutulong sa pagliligtas ng pambihira at mahahalagang mapagkukunan, partikular ang tubig at enerhiya,gayundin hangga’t maaari ay iwasan ang pagdami ng basura, ay dapat bigyan ng priyoridad at hikayatin ng pambansa, panrehiyon at lokal na mga awtoridad pambayan.’’ Bukod dito sa isang kabanata pa ng kanilang pag- aaral ay isinaad nila na malaki ang ambag ng turismo para sa pagpapaunlad ng isang kultura at tradisyon sa isang
lugar,
para
sa
kanila
‘’Ang
unawaan
at
pagtataguyod
ng
pagpapahalagang moral na karaniwan sa sangkatauhan, na may saloobing pagpaparaya at paggalang sa iba’t ibang mga paniniwalang panrelihiyon, pilosopikal at moral, ay kapwa batayan at bunga ng responsableng turismo; ang mga namumuhunan sa pagpapaunlad ng turismo at mismong mga turista ay dapat bigyang-pansin ang mga tradisyong panlipunan at kultural at mga kinagawian ng lahat ng tao, kabilang yaong mga minorya at mga taong katutubo at kilalanin ang kanilang kahalagahan.’’
Ang mga paniniwala o
teoryang ito, ay magsisilbing mga batayan ng impormasyon ng sa gayon ay aming maipagpatuloy at mapalawak pa ang isinasagawa naming papel pampananaliksik.
13
3. KONSEPTWAL NA BALANGKAS
I
Impormasyon ng mga Respondente: Edad: 20- 52 pataas Kasarian: Babae Lalake Lebel ng Edukasyon na Natapos: Primarya Sekondarya Kolehiyo Sektor ng Hanapbuhay: Pampubliko Pampribado
P
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng: Pakikipanayam at Interbyu sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan. Pamamahagi ng mga Sarbey- Kwestyuner sa mga mamamayan ng Bayan ng Mabini. Pagsusuri ng mga impormasyon mula sa iba’t- ibang mga sanggunian na may kaugnayan sa Turismo.
O Ang mga nagging resulta ng pag- aaral ay: Mga datos ukol sa mga suliraning kinakaharap ng Sektor ng Turismo. Mga hakbangin upang mabigyan ng solusyon ang mga nasabing suliranin. Damdamin at Saloobin ng mga Mamamayan ng Bayan ng Mabini sa pag- unlad ng turismo. Mga pinaplanong proyekto ng lokal na pamahalaan para sa pagpapaunlad ng turismo
4. Paglalahad ng Suliranin Ang papel pampananaliksik na ito ay naglalayong pag- aralan ang mga katangian ng turismo sa bayan ng Mabini kasama na ang mga ambag nito sa mamamayan at mga suliraning kinakaharap nito, isa na dito ay ang kakulangan sa mga pasilidad para sa mga turista, pangalawa ay ang mga suliranin sa transportasyon tulad ng pag sikip ng mga barko sa daungan at
14
pag sikip ng mga kalye dulot ng pagtaas ng bilang ng mga sasakyang pumapasok at lumalabas sa munisipalidad, pangatlo naman ay ang untiunting pagkasira ng mga natural na likas na yaman dulot ng polusyon at industriyalisasyon tulad nalang ng pagdumi ng mga dalampasigan at pagkawala ng mga puno sa bundok dahil sa walang tigil na pagpuputol sa mga ito. Layunin ng pag aaral na ito na magsaliksik at gumawa ng mga panayam sa mga mamamayan, mga naghahanapbuhay sa pribado at pampublikong sektor pati na rin ang mga opisyal ng turismo sa kung ano ang maaaring maisagawa na mga hakbang para sa pagpapayaman ng turismo at pagbibigay solusyon sa mga pagsubok na kinakaharap nito, sa pamamagitan ng mga sumusunod na katanungan. a. Ano ang mga katangian at estado ng turismo sa bayan ng Mabini? b. Bakit nagkaroon ng koneksiyon ang heograpiya at lokasyon ng Mabini sa pagkakaroon nito ng magandang tanawin? c. Ano ang pangunahing mga suliranin na kinakaharap ng sektor ng turismo sa bayan ng Mabini? d. Ano- ano ang mga hakbang na makatutulong sa sa pag- unlad ng turismo sa bayan ng Mabini? At paano masusulusyunan ang mga suliranin na ito? e. Paano makatutulong ang mga mamamayan ng Mabini sa pamahalaan upang maitaguyod ang kaayusan sa sektor ng turismo?
15
5. Kahalagahan ng Pag- aaral Malaki ang ginagampanan ng turismo sa kabuuang halaga ng kita sa bayan ng Mabini. Isa rin ito sa mga sektor na nagbabahagi ng nga hanapbuhay para sa mga mamamayan nito, karamihan sa kanila ay mga taga-luto, taga- ayos o kaya naman ay namamahala sa mga resorts, ang iba naman ay nagtatrabaho sa mga restawran bilang tagapag- luto na rin o kaya'y taga- linis, may ilan rin naman ang nagtuturo o gumagabay sa mga turista na sumisisid o umaakyat ng bundok, kasama na rin dito ang mga bangkero at tsuper na namamahala sa transportasyon at kabuuang paglalakbay. Katunayan ang mga ito na malaki ang porsyento ng ng hanapbuhay na naibibigay ng turismo at maraming mamamayan ang nakikinabang dito, kung kaya't nararapat na pangalagaan at pagyamanin natin ito. Sa paglipas ng mga panahon ay malaki ang naihahatid na tulong ng paglaki ng populasyon ng mga turista sa bayan ng Mabini, nakapagdudulot ito ng pagkakakilanlan ng ating bayan at pagyabong ng interes ng mga namumuhunang mga negosyante. Ngunit sa pag- unlad na ito, may mga suliranin naman ang nagaganap sa likod nito tulad nalang ng unti- unting pagkasira ng magagandang tanawin dulot ng polusyon, kawalan ng sapat na bilang ng mga pasilidad para sa akomodasyon ng mga turista at pagsikip ng daloy ng mga sasakyan at bangka dulot ng makitid na mga daanan at kakulangan sa kaayusan sa nga daungan. Maituturing na simple lang ang mga suluranin na ito, ngunit sa kabila nito ay mahirap itong solusyunan, maaaring malaki ang maidudulot nitong epekto sa ating turismo at bayan
16
tulad ng tuluyang pagkasira ng mga likas na yaman, hindi maayos na daloy ng transportasyon at hindi pagiging komportable ng mga turista. Ang mga dahilan na ito ay maaaring magkaroon ng bunga sa pagbaba ng bilang ng mga turista, dulot ng kawalan ng interes na maaaring magdulot naman ng pagbaba ng kita ng mga negosyante at kawalan ng trabaho ng ilang mamamayan.
Ang
mga
suliranin
na
ito
ay
masusugpo
kung
makikipagtulungan ang bawat mamamayan sa pamahalaan upang mas mapadali ang pagbibigay solusyon dito. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag- aaral na ito na malaki ang maitutulong nito sa mga mamamayan ng Mabini. Magsisilbi itong isang hakbang upang madiskubre kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng sektor ng turismo sa mga suliranin at pangunahing pangangailangan nito. Magiging gabay ito sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan upang makabuo ng mga pagpaplano upang mabigyan ng karampatang aksyon ang mga suliranin na kinakaharap ng nasabing sektor. Mahalagang maging maingat ang pag- aaral sa paksang ito dahil layunin nitong masuri at mas makilala ang malawak na sektor ng turismo. Sa tulong ng pananaliksik na ito ay maaaring malaman ang mga suliranin na kailangang pagbigyan ng agarang- aksyon para sa ikabubuti at ikauunlad ng sektor ng turismo kasama na rito ang kapakanan ng lahat ng mamamayan ng Mabini.
17
6. Saklaw at Limitasyon ng Pag- aaral Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang alamin ang iba't- ibang mga pamamaraan upang magkaroon ng kaayusan at pag- unlad sa sektor ng turismo. Ang saklaw ng pag- aaral na ito ay ang mga mamamayan ng Bayan ng Mabini na may kinalaman sa turismo, nakapaloob dito ang mga naghahanap- buhay sa mga resorts at restawran, mga negosyante at mga opisyal ng sektor ng turismo at lokal na pamahalaan Ang pag- aaral na ito ay kinapapalooban ng mga impormasyon sa katangian ng turismo ng Mabini, ito ay nagmula sa mga impormasyon sa internet, mga artikulo at libro, kasama na rin ang mga resulta mula sa mga kasagutan at opinyon ng mga mamamayan na aming nakapanayam. Hindi saklaw ng pag aaral na ito ang mga impormasyon na hindi kabilang o tungkol sa bayan ng Mabini. Ang mga impormasyong nakalap sa iba’t- ibang hanguan ay hiniram sa maayos na pamamaraan at sinunod ang mga batas ukol sa paggamit nito. Nilimitahan ang pag- aaral na ito sa mga mamamayan ng Mabini. Ang mga mananaliksik ay naniniwalang ang paksang ito ay isang pang- matagalang pag- aaral at nangangailangan ng lubos na pansin ng sa gayon ay masubaybayan ang mga pagbabagong nagaganap sa loob ng sektor na ito.
18
7. Depinisyon ng Terminolohiya Heograpiya- nakapaloob dito ang pisikal na mga katangian ng isang lugar o rehiyon tulad ng mga anyong lupa at tubig na matatagpuan dito. Pamantayan- ang mga katangian na kinakailangan upang mapatunayan ang pag- unlad ng isang partikular na bagay. Pasilidad- isang lugar o espasyo na pumupunan sa pangangailangan ng isang tao. Pondo- ispesipikong halaga ng pera na nakalaan sa isang proyekto o programa na kalimitang isinasagawa para sa kaunlaran. Programa- uri ng gawain na isinasagawa upang magkaroon ng pagbabago, kalimitan itong may tema o paksa. Progreso- pagbabago o pag- unlad na natatamasa ng isang pangkat ng tao. Sektor- pangkat ng mga opisyal sa pamahalaan o gobyerno na nagbibigay serbisyo sa mga mamamayan. Tangway- uri ng anyong lupa na makitid at mahaba, ito ay napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Turismo- isang akto ng paglalakbay para sa isang layunin o pagbibigay ng serbisyo.
Maaaring
layunin
rin
nito
ay
ang
makapagbakasyon,
makapagtrabaho, o kahit anung aktinidad na makapagbibigay saya o ginhawa sa isang manlalakbay.
19
Turista- ang sinumang naglalakbay mula sa kaniyang tirahan, maaaring may ispesipikong layunin ang paglalakbay na ito.
20
KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG- AARAL Mga Kaugnay na Literatura Ayon sa Wikipediang Tagalog (Agosto 2016). Ang turismo isang lugar upang makita ang isang lugar. Tinatawag na turista ang sinumang naglalakbay ng 50 milya (80.5 kilometro) na layo mula sa kanyang tirahan, ito ang kahulugan ng World Tourism Organization (isang katawan ng Mga Nagkakaisang Bansa). Ang turismo ay napakahalaga sa ekonomiya ng isang bansa. Bukod sa salaping ipinapasok ng mga turista, ito ay nagbibigay ng hanapbuhay sa mga lokal na mamamayan ng isang bansa sa industriyang serbisyo. Ang industriyang serbisyo ay kinabibilangan ng mga ilang nahahawakan at di-nahahawakang sangkap. Kabilang sa mga elementong nahahawakan ang mga sistema ng transportasyon - himpapawid, riles, kalye, pantubig at ngayon kalawakan; serbisyong maasikaso - akomodasyon, pagkain at inumin, palilibot, mga subenir; at iba pang kaugnay na serbisyo katulad ng pagbabangko, seguro at kaligtasan & kapatanagan. Kabilang naman sa mga di-nahahawakang elemento ang pamamahinga, kultura, pagtakas, adbentura, bago at lumang karanasan. Dahil sa kahalagahan ng turismo sa ekonomiya ng isang bansa, ang mga pamahalaan ng bansa ay gumagastos ng malalaking halaga sa advertisement sa ibang bansa upang itaguyod ang kanilang bansa upang dayuhin ng mga turista. Isinasaalang alang ng mga turista ang mga magagandang atraksiyon, seguridad ng bansa
21
mula sa mga krimen at mga masasamang elemento gaya ng mga scam, kung ang bansa ay mura, kung ito ay malinis at madaling paglakbayan gayundin mula sa mga komento o karanasan ng mga nakaraang turista sa isang bansa Ayon sa Wikipilipinas (7 Setyembre 2009). Ang Departamento ng Turismo (DOT) ang pangunahing ahensiya ng pamahalaang Pilipinas na may tungkuling
hikayatin,
palaganapin,
at
paunlarin
ang
turismo
bilang
pangunahing panlipunan at pangkabuhayang gawain nang makalikom ng banyagang pananalapi at makalikha ng trabaho. Layon din nitong ipakalat ang mga benepisyo ng turismo sa kapuwa pribado at publikong sektor.May limang bahagi sektor ang DOT. Kabilang dito ang Tanggapan ng Kalihim; Sektor ng Pagtatampok ng Turismo; Sektor ng Serbisyo at Panrehiyong Tanggapan; Sektor ng Pagpaplano, Pagpapaunlad ng Produktor, at Pakikipag-ugnayan; at Sektor ng Panloob na Serbisyo. Ang Tanggapan ng Kalihim (Office of the Secretary) ang bumubuo ng mga patakaran, plano, programa, at iba pa, samantalang nirerepaso ang Pangunahing Plano sa Turismo at nagpapayo sa Pangulo hinggil sa laha ng bagay na makaaapekto sa programa ng turismo sa bansa. Pangunahing gawain naman ng Sektor ng Pagtatampok ng Turismo (Tourism Promotions Sector) ang pagpapakilala sa Pilipinas bilang pook na dapat puntahan ng mga turista mula man sa loob o labas ng bansa. Nagpapalaganap din ito ng impormasyon at nakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya at tao.
22
Tungkulin ng Sektor ng Serbisyo at Panrehiyong Tanggapan (Tourism Services and Regional Offices Sector) ang pagtitiyak na ang pagpasok, pananatili, at paglabas ng mga turista ay kaaya-aya. Nagtatakda ito ng pamantayan hinggil sa kantidad at kahusayan ng mga establisimyentong may kaugnayan sa turismo, samantalang ipinatutupad sa mga rehiyon ang mga patakaran, plano, at programa ng DOT. Pananagutan ng Sektor ng Pagpaplano, Pagpapaunlad ng Produktor, at Pakikipag-ugnayan (Planning, Product Development and Coordination Sector) ang pagbubuo ng Pangunahing Plano sa Turismo na may lakip na mga programa. Tinitiyak din nito na naipapatupad ang programa batay sa plano. Samantala, ang Sektor ng Panloob na Serbisyo (Internal Services Sector) ay tumitiyak naman sa maayos na daloy ng operasyon ng Departamento sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahusay na payo at serbisyo sa larangan ng pangangasiwa ng tauhan, pagpapaunlad ng mga empleado, at pag-iingat sa pananalapi, at iba pang kaugnay na bagay. Mga Kaugnay na Pag- aaral Ayon sa Dyornal nina Postrero, Garcia, Tenmatay at Villanueva (Oktubre, 2004) na pinamagatang ‘’Pandaigdigang Kodigo ng Etika Para sa Turismo: (A) Ang Turismo, Salik ng Patuluyang Pagpapaunlad.’’ (1) Dapat pangalagaan ng lahat ng namumuhunan sa pagpapaunlad ng turismo ang likas na kapaligiran na may layuning makapagtamo ng matatag, tuluytuloy at maitataguyod na pag-unlad pangkabuhayan upang matugunan ang mga pangangailangan at mithiin ng kasalukuyan at darating na henerasyon: 23
(2) Lahat ng anyo ng pagpapaunlad panturismo na nakatutulong sa pagliligtas ng pambihira at mahahalagang mapagkukunan, partikular ang tubig at enerhiya, gayundin hangga’t maaari ay iwasan ang pagdami ng basura, ay dapat bigyan ng priyoridad at hikayatin ng pambansa, panrehiyon at lokal na mga awtoridad pambayan: (3) Dapat iplano ang imprastrakturang panturismo at
ang
mga
gawaing
panturismo
ay
iprograma
sa
paraang
mapangangalagaan ang likas na pamana na binubuo ng mga ecosystem at biodiversity at mapanatili ang mga nanganganib na uri ng buhay-ilang; ang mga namumuhunan sa pagpapaunlad ng turismo, lalo na ang mga propesyonal, ay dapat sumang-ayon sa pagpapataw ng mga limitasyon o pagtatakda sa kanilang mga gawain kapag iyon ay isinasagawa sa partikular na mga sensitibong lugar: ang disyerto, lugar ng mga mataas na bundok, baybay-dagat, tropikong kagubatan o latian, na naaangkop sa paglikha ng mga laan ng kalikasan at lugar na protektado; (4) Ang turismong pangkalikasan at ekoturismo ay kinikilalang nakatutulong lalo na sa pagpapayaman at pagpapataas ng kalagayan ng turismo, sa pasubaling igagalang nila ang likas na pamana at mga lokal na mamamayan at pinanatili ang makakayanang kapasidad ng mga lugar; ‘’Pandaigdigang Kodigo ng Etika Para sa Turismo: (B) Turismo, gumagamit ng pamanang pangkultura ng sangkatauhan at tagapagambag para mapataas ito.’’ (1) Ang mga patakaran at gawaing panturismo ay dapat isagawa na may pagsasaalangalang sa artistiko, arkeolohikal at pamanang kultural; na dapat nilang pangalagaan at isalin sa mga susunod na henerasyon; partikular na pag-iingat ang dapat iukol sa pagpapanatili at 24
pagpapabuti ng mga monumento, dambana at museo gayundin ang lugar arkeolohikal at makasaysayan na kailangan bukas para sa mga pagbisita ng turista; dapat na hikayatin ang pagkakaroon ng kaluwagan sa pagtungo sa mga pribadong ari-ariang pangkultura at mga monumento, na may pagsasaalang-alang sa mga karapatan ng may-ari, gayundin sa mga gusaling panrelihiyon, na hindi nakapipinsala sa normal na pangangailangan ng pagsamba; ‘’Pandaigdigang Kodigo ng Etika Para sa Turismo: (C) Turismo, isang gawaing kapaki-pakinabang sa mga bansa at pamayanang punong-abala.” (1) Ang mga lokal na mga mamamayan ay dapat iugnay sa mga gawaing panturismo at makibahagi nang pantay sa mga benepisyong pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura na kanilang nilikha, lalo na ang paglikha ng tuwiran at di-tuwirang trabaho na bunga nito; (2) Ang mga patakarang panturismo ay dapat pairalin sa paraang makatutulong na mapataas ang pamantayan ng pamumuhay ng mga mamamayan ng rehiyong pinuntahan at matugunan ang kanilang mga pangangailangan; ang pagpaplano at lapit arkitektural sa at ang operasyon ng mga resort at akomodasyong panturismo ay dapat maglayong mapag-isa sila, hangga’t maaari, sa lokal na kabuhayan at lipunang balangkas; kung saan pantaypantay ang kasanayan, ang priyoridad ay dapatipagkaloob sa lokal na laangbisig; (3) Dapat pag-ukulan ng higit na pansin ang mga partikular na suliranin ng baybay-dagat at mga teritoryong isla at sa mga rehiyong rural o bulubundukin na namimingit sa kapahamakan, na ang turismo ay kadalasang kumakatawan sa pambihirang pagkakataon sa pagpapaunlad sa harap ng 25
humihinang tradisyunal na mga gawaing pangkabuhayan; (4) Ang mga propesyonal sa turismo, lalo na ang mga namumuhunan, na nasasaklawan ng mga regulasyong ipinatutupad ng mga awtoridad pambayan, ay dapat magsagawa ng mga pag-aaral sa epekto ng kanilang mga proyekto sa pagpapaunlad sa paligid at sa likas na kapaligiran; dapat din nilang maipabatid, taglay ang pagiging malinaw at obhetibo, ang impormasyon hinggil sa kanilang mga programa sa hinaharap at ang kanilang nakinikinitang resulta at ganyakin ang kanilang pakikipagdayalog sa mga kinauukulang mamamayan ukol sa nilalaman ng mga iyon. ‘’Pandaigdigang Kodigo ng Etika Para sa Turismo: (D) Mga obligasyon ng namumuhunan sa pagpapaunlad ng turismo.’’ (1) Ang mga propesyonal sa turismo, hanggang nakasalalay sa kanila, ay dapat magpakita ng malasakit, sa pakikipagtulungan ng mga awtoridad pambayan, para sa seguridad at kaligtasan, pag-iwas sa aksidente, proteksyon sa kalusugan at kaligtasan sa pagkain sa mga humahanap ng kanilang paglilingkod; gayon din, dapat nilang tiyakin ang pag-iral ng isang angkop na sistema ng seguro at pagtulong; dapat nilang tanggapin ang obligasyong paguulat sa mga itinakda ng pambansang mga regulasyon at magbayad ng makatuwirang kabayaran kung sakaling mabigong masunod ang kanilang obligasyon sa kontrata; ‘’Pandaigdigang Kodigo ng Etika Para sa Turismo: (E) Mga Karapatan ng mga Manggagawa at Mangangalakal sa Industriya ng Turismo.’’ (1) Ang pangunahing karapatan ng mga manggagawang
26
suwelduhan at kumikita sa sariling negosyo sa industriya ng turismo at mga kaugnay na aktibidad nito ay dapat garantiyahan sa ilalim ng superbisyon ng pambansa at lokal na pangasiwaan, kapwa ng Estadong kanilang pinanggalingan at ng punong-abalang bansa na may particular na pag-iingat dahil sa tiyak na limitasyong nauugnay ng partikular sa pana-panahong aktibidad nila, ang pandaigdigang saklaw ng kanilang industriya at ang fleksibilidadna madalas na hinihingi sa kanila dahil sa uri ng kanilang gawain; (2) Ang manggagawang suwelduhan at kumikita sa sariling negosyo sa industriya ng turismo at kaugnay na gawain ay may karapatan at tungkuling magkaroon ng nararapat na panimula at tuluy-tuloy na pagsasanay; dapat silang pagkalooban ng sapat na proteksyong panlipunan; hangga’t maaari ay malimitahan ang walang katiyakan sa trabaho; at isang tiyak na kalagayan, na may partikular na pagsasaalangalang sa kagalingang panlipunan, ay dapat ibigay sa mga panahunang manggagawa ng sektor.
27
KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK 1.Disenyo ng Pananaliksik Ang papel pampananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng deskriptib-analitik na disenyo ng pananaliksik. Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay sinubukan ng mga mananaliksik na ilarawan at alamin ang damdamin o saloobin ng mga mamamayan ng Mabini upang mapaunlad ang Sektor ng Turismo, kasama na dito ang pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan ng Turismo, mga katangian nito, mga suliraning kinakaharap, at kasama na rin kung ano ang mga pamamaraan upang ito ay mabigyang solusyon. 2. Mga Respondente Sa isinagawang papel pamamanaliksik na ito, ang mga napiling maging respondente ay ang mga mamamayan o residente ng bayan ng Mabini, mga naghahanapbuhay sa resorts, mga opisyal ng sektor ng turismo at munisipyo kasama na rin ang mga mamamayan na may relasyon ang pamumuhay sa sektor ng turismo.
28
Lugar
Babae
Lalake
Bilang
Brgy. Anilao
5
4
9
Brgy. Ligaya
1
1
2
Brgy. Majuben
2
0
2
Brgy. Pulong Niogan
0
1
1
Brgy Solo
8
3
11
Kabuuang Bilang
16
9
25
2.1 Talahanayan ng Mga Respondente Kabuuang Bilang ng Respondente: 25
3. Intrumentong Pananaliksik Isinagawa ang papel pampanaliksik na ito masuri kung ano ang damdamin at saloobin ng mga mamamayan ukol sa sektor ng turismo. Ang mga resulta at datos na nakuha mula sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pakikipanayam at interbyu. Bago ito naisagawa, ay naghanda ang mga mananaliksik ng sarbey kwestyoner ng sa gayon ay makakuha ng mga opinyon, ang mga kwestyoner na ito ay maingat na binuo at pinag-aralan para sa mas maayos na pagsasagot at kabatiran ng mga respondente. Upang magkaroon ng sapat na datos at impormasyon, ay nagsagawa ang mga mananaliksik ng pakikipanayam sa mga opisyal ng munisipyo at sektor ng turismo.
29
4.Tritment ng mga Datos Dahil ang papel pampananaliksik na ito ay panimulang pag-aaral pa lamang sa ika-11
baitang ng Senior High School, ay walang ginawang
mataas na uri ng statistika ang mga mananaliksik. Tanging paagbibilang at pagkuha ng porsyento lamang edad, kasarian, sector ng hanapbuhay at lebel ng edukasyon lang ng mga respondente ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik.
𝑩𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑺𝒂𝒈𝒐𝒕
P= 𝑩𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑹𝒆𝒔𝒑𝒐𝒏𝒅𝒆𝒏𝒕𝒆 x 100
30
Kabanata IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Grap 1
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Kasarian 0% 36%
64%
Babae Lalake
Grap 1. Sa pamamagitan ng grap na ito, ay mapapansin natin na higit na mas malaki ang bilang ng mga respondenteng babae kaysa lalake. Sa kabuuan ng dalawampu’t limang (25) respondente, dalawa (2) sa kanila ay primarya ang lebel ng edukasyon na kanilang natapos, sampu (10) ang sekondarya at labing- tatlo (13) naman ang kolehiyo.
31
Grap 2
Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad 20- 23 24- 27 16%
28- 31
32% 8% 4%
32- 35 36- 39
4% 8%
12% 8%
8%
40- 43 44- 47 48- 51 52 pataas
Grap 2- Ipinapakita ng Grap na ito na hindi pantay- pantay ang distribusyon ng sarbey- kwestyuner sa mga respondente ayon sa kanilang mga edad. Malaking porsyento ng mga respondente ang may edad 52 pataas sa pagkakaroon ng (47%) at pinakamababang porsyento naman ang may edad 32- 35 sa pagkakaroon lang ng (16%). Sa kabuuan ng 25 respondente, apat (4) sa kanila ang may edad 20- 23, dalawa (2) ang may edad 24- 27, isa (1) ang may edad 28- 31, isa (1) ang may edad 32- 35, dalawa (2) sa kanila ang may edad (36- 39), dalawa (2) ang
32
may edad (40- 43), dalawa (2) sa kanila ang may edad 44- 47, tatlo (3) ang may edad 48- 51 at walo (8) sa kanila ang may edad 52 pataas.
Grap 3
Sektor ng Hanap buhay ng mga Respondente na may kaugnayan sa Sektor ng Turismo 13.2 13 12.8 12.6 12.4 12.2 12 11.8
11.6 11.4
Pampubliko
Pampribado
Grap 3- Ipinapakita sa grap na ito na mas malaki ang bilang ng mga respondente na may pampublikong sektor ng hanapbuhay sa pagkakaroon ng labing- tatlo (13), samantalang labing- dalawa (12) naman ang mayroong pampribadong sektor ng hanapbuhay. Nakapaloob sa Pampublikong Sektor ang mga hanapbuhay na may relasyon o koneksiyon sa ating pamahalaan, maaaring bukas din ito sa lahat at tumatanggap ng malalaking bilang ng tao. Habang nakapaloob naman sa Pampribadong sektor ang hanapbuhay na binibigay at pag mamay- ari ng mga negosyante o namumuhunan tulad ng resorts, tindahan at restwaran. 33
Grap 4
Mga Respondenteng Naniniwala na may Naibibigay na Tulong sa kanila ang Sektor ng Turismo 25
20
15
10
5
0
Naniniwala
Di- naniniwala
Grap 4- Mahihinuha sa gap na ito na malaki ang bilang ng mga respondente na may positibong paniniwala na may benepisyo silang natatanggap mula sa sektor ng turismo kaysa sa mga hindi naniniwala. Batay sa nakalap na mga datos at impormasyon, dalawampu’t- dalawa (22) ang nagsabing may naibibigay na tulong sa kanila ang sektor ng turismo at tatlo (3) naman sa kanila ang di naniniwalang may naibibigay itong tulong sa kanila.
34
Grap 5
Mga Respondenteng Sumang- ayon na dapat magbukas ang Bayan ng Mabini sa Malalaking mga Negosyo 5 4.5
4 3.5 3 2.5 2 1.5
1 0.5 0
Sang- ayon
Di Sang- ayon
Grap 5- Makikita natin sa grap na ito na malaki ang porsyento ng mga respondente na Sang- ayon sa pagbubukas ng Bayan ng Mabini sa malalaking Negosyo at pamumuhunan kaysa Di- Sang- ayon. Sa kabuuan ng dalawampu’t limang (25) respondente, labing- walo (18) sa kanila ang Sang- ayon dito at labing- dalawa (12) naman ang Di Sangayon.
35
Grap 6
Mga Respondenteng may Kaalaman sa kanilang mga Gampanin at Responsibilidad bilang mga Mamamayan para sa Pagpapaunlad ng Sektor ng Turismo
0
5
10
15
20
25
30
Di- Alam ang kanilang Responsibilidad
Alam ang kanilang Responsibilidad
Grap 6- Mapapansin natin sa grap na karamihan sa mga respondente ay alam ang kanilang responsibilidad at gampanin kaysa sa Hindi. Sa
kabuuan ng dalawampu’t- limang (25) mga
respondente,
dalawampu’t- apat (24) sa kanila ang may alam sa kanilang responsibilidad bilang isang mamamayan habang isa (1) naman sa kanila ang hindi.
36
Grap 7
Mga Respondenteng may maimumungkahi na mga Proyekto sa Pagpapaunlad ng Sektor ng Turismo
0
2
4
6
8
Wala
10
12
14
16
18
20
Meron
Grap 7- Ipinapakita sa grap na ito na marami sa mga respondente ang may maimumungkahi na mga proyekto para sa pagpapaunlad at pagbibigay solusyon sa mga suliranin nito, sa pagkakaroon ng labing- siyam (19) na respondent at anim (6) naman sa mga ito ang walang maimumungkahi a proyekto.
37
KABANATA V LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON 1.Lagom Ang papel pampananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman ang damdamin at saloobin ng mga mamamayan ng Mabini upang mapaunlad ang sektor ng turismo, matukoy ang mga suliraning kinakaharap nito at mapagaralan ang mga pamamaraan para mabigyang solusyon ang mga ito. 2. Kongklusyon Batay sa mga nakasaad ng datos, ang mga mananaliksik ay napagdesisyunan ang mga sumusunod na konklusyon sa ibaba. a.Karamihan sa mga respondente ay hindi alm ang koneksiyon ng heograpiya at lokasyon sa turismo ng bayan ng Mabini. b. Malaking porsyento ng mga respondente ang may sector ng hanapbuhay na pampubliko at may koneksiyon sa sector ng turismo. c. Malaki ang porsyento ng mga respondente ang may positibong pananaw sa mga naibibigay na tulong ng sector ng turismo sa bayan ng Mabini. d. Maraming respondente ang naniniwalang makabuluhan ang pag-unlad ng turismo sa lahat ng mamamayan ng Mabini. e. Maraming respondente ang nagsasabing nasa maayos na kalagayan at kondisyon ang sektor ng turismo ng Mabini.
38
f. Karamihan sa mga sumagot na respondente ang may alam sa kanilang gampanin at responsibilidad sa sektor ng turismo. g. Karamihan sa mga respondente ang nakakabatid sa mga suliraning kinakaharap ng sektor ng turismo. h. Malaking porsyento ng mga respondente ang sang-ayos sa pagbubukas ng Bayan ng Mabini sa mga malalaking negosyoo art korporasyon. 3.Rekomendasyon Kaugnay ng mga kongklusyong nakalahad sa itaas, inirerekomenda ng mga mananaliksik ang sumusunod: a. Para sa mga mamamayan o residente ng bayan ng Mabini, mabuti kung magiging alerto kayo sa mga pagbabagong nagaganap sa inyong paligid lalo na sa sektor ng turismo. Mainam rin kung madidiskubre niyo ang kahalagahang ginagampanan ng turismo sa bayan ng Mabini at kung paano ito nakapagbibigay ng hanapbuhay sa mga residente nito. Ang pagiging responsable at aktibong pakikilahok sa mga programa o proyekto na may kinalaman sa turismo ay isa sa mga dapat gawin ng mamamayan ng isang lugar ito ay malaking malaki ang tulong na maibibigay par sa pag unlad ng sektor na ito. b. Para sa opisyal ng lokal na pamahalaan at sektor ng turismo, mas makabubuti kung magbibigay kayo ng pahayag sa publiko kung ano ang kahalagahan ng turismo at ginagampanan nito sa buong bayan ng sa gayon ay matutunan nilang pahalagahan ito sa tulong ng pakikiisa sa mga programa
39
at proyekto sa sektor ng turismo. Mas makabubuti rin kong ipapaalam nila sa mga mamamayan ang kasakuyang kalagayan at kondisyon nito upang makapagbigay sila ng mga opinyon kung may mga pagkakataon man na ito ay may suliraning nangangailangang pagdesisyunan ng karamihan o ng taong bayan.
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN Mga Hanguang Elektriniko Wikipediang Tagalog. (Agosto, 2016). ‘’Turismo’’ WikiPilipinas. (7, Setyembre, 2009). ‘’Departamento ng Turisimo”
Hanguang Sekondarya Postrero B. J., Carcia E. V., Tenmatay P. J., at Villanueva L. B. (Oktubre, 2004). ‘’Pandaigdigang Kodigo ng Etika para sa Turismo.’’ 7- 19.
40
APENDIKS A LIHAM SA PAGHINGI NG PAHINTULOT SA PAG SARBEY Enero 26, 2017 Gng. Loida B. Pulhin Guro ng Filipino II AASMNHS
Mahal naming Guro, Malugod na pagbati! Kami po ay isang grupo ng mga mag-aaral mula sa baitang 11 ng HUMSS F-Carbon na kasulukuyang kumukuha ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Isa po sa mga pangangailangang ng nasabing asignatura ay ang pagsulat ng papel pampananaliksik. Sa kasalukuyan po, kami ay nagsusulat ng isang papel pampananaliksik tungkol sa ‘Kaalaman, ’Damdamin at Saloobin ng mga Mamamayan sa Bayan ng Mabini upang Mapaunlad ang Turismo Taong Panuruan 2017-2018.’’ Kaugnay po nito, nais po naming hingin ang pahintulot ng inyong tanggapan upang
kami’y
makapamahagi
ng
sarbey-
kwestyoner
sa
napiling
dalawamput-limang (25) mamamayan ng bayan ng Mabini. 41
Ang mga datos na aming makakalap sa sarbey ay makatutulong po nang lubos sa aming pag-aaral Inaasahan po namin ang inyong positibong pagtugon sa aming kahilingan. Lubos na gumagalang, Lider ng Pangkat
42
APENDIKS B LIHAM SA PAGHINGI NG PAHINTULOT SA INTERBYU
Enero 27, 2017 Mr. Menardo S. Boongaling Ulo ng Sektor ng Turismo, PESO, OFW at PIO Bahay Pmahalaan ng Mabini, Batangas Mahal naming Respondente Isang Magandang Araw, Kaugnay ng isinasagawa naming papel pampananaliksik sa aming asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, hinggil sa paksang “Kaalaman, Damdamin at Saloobin ng mga Mamamayan sa Bayan ng Mabini upang Mapaunlad ang Turismo, Taong Panuruan 2017- 2018,” ay nais po sana naming humingi sa inyo ng pahintulot upang kayo ay aming makapanayam sa petsa, araw at lugar na inyong binigay sa amin. Lubos po ang aming paniniwala na ang inyong malawak at sapat na kaalaman sa nasabing paksa ngaming pag- aaral ay malaki ang maitutulong sa amin ng lubos tungo sa tagumpay na pagsasagawa ng aming papel pampananaliksik.
43
Hangad po namin ang inyong pagpapahintulot sa aming pakiusap.
Lubos na gumagalang, Lider ng Pangkat Binigyang- Pansin
Gng. Loida B. Pulhin Guro ng Filipino 11
44
APENDIKS C SARBEY- KWESTYONER Liham Para sa Mga Respondente Mahal naming Respondente, Isang Mapagpalang Araw! Kami po ay mga mag-aaral mula sa ika-11 baitang ng seksyon Carbon ng Pang alaalang Mataas na Paaralang Nasyonal ng Anselmo A. Sandoval (AASMNHS) ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang papel pampananaliksik sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik hinggil sa paksang: “Damdamin at Saloobin ng mga Mamamayan sa Bayan ng Mabini upang Mapaunlad ang Turismo Taong Panuruan 20172018”. Kaugnay nito, inihanda namin ang mga kwestiyoner na ito upang makatanggap ng mga impormasyon na kailangan sa aming pananaliksik. Kung gayon, mangyari po lamang na sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming magiging kumpidensiyal na impormasyon ang inyong mga kasagutan. Maraming salamat po. Mga Mananaliksik Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga sumusunod na patlang. Kung may pagpipilian, lagyan ng tsek ang kahon na tumutugma sa inyong kasagutan. 1. Pangalan:______________________________________________________________ 2. Edad:
Kasarian:
20- 23
32- 35
44- 47
24- 27
36- 39
48- 51
28- 31
40- 43
52- pataas
Babae
Lalaki 45
3. Lokasyon/Tirahan:________________________________________________________ Lebel ng Edukasyong natapos:
Primarya
Sekondarya
Kolehiyo
Sektor ng Hanapbuhay:
Publiko
Pribado
4. Ano ang koneksiyon ng heograpiya at lokasyon sa turismo sa bayan ng Mabini? 5. Ano ang mga gampanin o naibibigay na tulong ng sektor ng turismo sa bayan ng Mabini? 6. Ano ang mga bagay na kinakailangan upang makamit ang kaunlaran sa sektor ng turismo? 7. Sa iyong palagay, makabuluhan ba ang pag- unlad ng turismo sa mga mamamayang naninirahan dito? Bakit? 8. Anong mga sektor ang maaaring makipagtulungan sa turismo upang makamtan ang kaayusan nito? 9. Bilang isang mamamayan ng bayan ng Mabini, ano ang iyong mga nabatid sa estado o kalagayan ng turismo? 10. Ano ang iyong gampanin o responsibilidad sa pagpapanatili ng kaayusan ng sektor ng turismo? 11. Bilang isang lehitimong residente sa bayan ng Mabini, ano ang mga pagbabagong iyong naobserbahan sa sektor ng turismo sa paglipas ng panahon?
46
12. Ano ang iyong maaaring matanggap na mga benepisyo sa pagyaman ng turismo? 13. May relasyon ba ng sektor ng turismo sa sektor ng iyong hanapbuhay? Ano ang mga naitutulong nito? 14. Ano ang mga suliraning kinakaharap ng sektor ng turismo sa kasalukuyang panahon? 15. Sa iyong palagay, ano ang maaaring pinagmulan ng mga suliranin na ito sa loob ng sektor ng turismo? 16. Ano ang maaaring maidulot ng paglaki ng populasyon sa bayan ng Mabini? 17. Paano maaaring maka apekto ang turismo sa mga mamamayan kung hindi mabibigyang pansin ang mga suliraning kinakaharap nito? 18. Sa iyong palagay, nararapat bang magbukas ang bayan ng Mabini sa mga taong namumuhunan na may malalaking negosyo at korporasyon? 19. Sa paanong paraan mapapanatiling balanse ang daloy ng turismo sa ating bayan? 20. Anong proyekto o programa ang maaaring maisagawa upang mapaunlad ang sektor ng turismo?
47
APENDIKS D PORMULARYO SA PAG- EEBALWEYT NG PAMANAHONG PAPEL Pamagat:____________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Mananaliksik:_________________________________________________________ __________________________________________________________________ Taon at Pangkat: __________________________ Semestre:_________________ Taong Akademiko:__________________________ Sistema ng Pagmamarka: Apat (4) na puntos ang pinakamataas na maaaring ibigay sa bawat aytem. Maaaring magbigay ng puntos na may decimal (halimbawa 1.7, 2.3, 3.5) ayon sa paghuhusga ng ebalweytor. Pagsama- samahin ang mga nakuhang sub- total ng puntos upang makuha ang kabuuang marka. A. Paksa at Suliranin 1. Signipikant at napapanahon ba ang paksa ng pananaliksik?
______
2. Sapat ba ang pagtalakay sa introduksyon?
______
3. Malinaw at sapat ba ang saklaw at limitasyon ng paksa upang makalikha ng mga valid na paglalahat?
______
4. Maayos at malinaw ba ang pamagat at angkop ba iyon sa paksa ng pag- aaral?
______
5. Malinaw, ispesipik at sapat ba ang tiyak na layunin ng pag- aaral?
______
6. Sapat at matalino ba ang pagpili sa mga terminong binigyan ng depinisyon at malinaw ba ang pagpapakahulugan sa bawat isang termino? ______
Sub- total: ______ B. Kaugnay na Pag- aaral at Literatura 1. Sapat at angkop ba ang mga pag- aaral at literaturang tinalakay?
______
2. Malinaw at maayos ba ang pagtatalakay sa mga pag- aaral at literaturang iyon?
______
3. Wasto at maayos ba ang dokumentasyon ng mga pag- aaral sa iba pang hanguang ginamit?
______ Sub- total ______
48
C. Disenyo ng Pag- aaral 1. Angkop ba sa paksa ang pamamaraan/ metodong ginamit sa pananaliksik?
______
2. Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naaayon ba iyon sa sayantipik na metodo ng pananaliksik?
______
3. Sapat at angkop ba amg respondeng napili sa paksa ng pananaliksik?
______
4. Malinaw at wasto ba ang disenyo instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos?
______
Sub- total: ______ D. Presentasyon 1. Sapat, valid at relayabol ba ang mga datos na nakalap?
______
2. Maingat bang nasuri at nalapatan ba ng wastong istatistikal tritment ang mga datos?
______
3. Wasto at sapat ba ang naging interpretasyon ng nga datos?
______
4. Malinaw, maayos at konsistent ba ang tekstwal at tabular/ grapikal na presentasyon ng mga datos?
______ Sub- total: ______
E. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 1. Mabisa at sapat ba ang pagkakalagom sa mga datos?
______
2. Lohikal at valid ba ang mga kongklusyon? Nakabatay ba iyon sa mga datos na nakalap?
______
3. Nasagot ba sa kongklusyon ang mga ispesipikong katanungan sa layunin ng pag- aaral?
______
4. Lohikal, pisibol, praktikal at ateynabol ba ang mga inilahad na rekomendasyon? Makalulutas ba ang mga iyon sa mga suliraning natukoy sa pag- aaral?
______
5. Malinaw, tuwiran at maayos ba ang paglalahad ng mga lagom, kongklusyon at rekomendasyon?
______
Sub- total______ 49
50
Report "Kaalaman, Damdamin, at Saloobin ng mga Mamamayan sa Bayan ng Mabini Upang Mapaunlad ang Turismo: Taong Panuruan 2017-2018"