Banghay Aralin sa Filipino 7 Unang Markahan Ikaanim Na Linggo

June 9, 2018 | Author: Jonalyn Tiongson | Category: Documents


Comments



Description

Unang Markahan Ikaanim na Linggo Unang Araw 2013

Ika–17 ng Hulyo

Lingguhang Tunguhin a. Natutukoy ang banghay ng kuwento (PB1Bc). b. Nakagagawa ng banghay ayon sa tekstong narinig (PN1Ba). I.

II.

III.

Paksa Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Alamat ni Tungkung Langit” ni Roberto Añonuevo Kagamitan  Kopya ng akdang “Alamat ni Tungkung Langit”  Kartolina/manila paper para sa panimulang pagtataya (talasalitaan)  Laptop at Speaker para sa Recording (“Alamat ni Tungkung Langit”) Pamamaraan A. Panimulang Pagtataya TALASALITAAN: Ipapaskil sa pisara ang kartolina/manila paper na naglalaman ng mga salita at pangungusap na matatagpuan sa kuwento. Pahuhulaan sa mga mag – aaral, gamit ang konteksto ng pangungusap, ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Pagkatapos ng bawat bilang, hihingi sa mga mag – aaral ng mga pangungusap na ginagamit ang mga talasalitaan. 1. Napapatigalgal si Tungkung Langit tuwing maririning ang aking tinig. 2. Madalas akong gumawi sa aming pasigan, at manalamin sa malinaw na tubig habang sinusuklay ang mabangong buhok. 3. At ang pag – iral na yaon ang sinasagkaan ng aking pinakamamahal. 4. Subalit pinatititikan ko siya sa dayaray upang mabatid ang kaniyang paroroonan. 5. Naghunos ng mga bituin ang mga hiyas ko’t mutya. B. Introduksyon Babanggiting muli ang kuwentong binasa nila noong nakaraang lingo (“Kung Bakit Umuulan”). Pabubuuin ng simpleng banghay ng kuwento ang mga mag – aaral. Magpapakita ang guro ng isang flowchart na naglalaman ng banghay ng kuwento upang makatulong sa gagawing talakayan.

Kung Bakit Umuulan

Tauhan

Tagpuan

Daloy ng mga Pangyayari

Simula Suliranin Kasukdulan

Wakas

Pagkatapos, ipakikilala ang akda para sa araw na ito. Sasabihin na isa itong muling pagsasalaysay ng kuwento ni Alunsina at Tungkung Langit. Hihingin sa mga mag – aaral na pansinin ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang akda habang nakikinig sila sa kuwento. C. Presentasyon Pagpaparining ng isang recording tungkol sa “Alamat ni Tungkung Langit”. Matapos marinig ang kuwento, bubuo ng simpleng banghay ang mga mag – aaral. D. Pagpapayaman 1. Pangkatang Gawain PANGKAT I: Mula sa napakinggang kuwento, ilarawan si Tungkung Langit. Anong klase siyang asawa? Ilahad ito sa pamamagitan ng masining na pagkukuwento. PANGKAT II: Mula sa napakinggang kuwento, ilarawan si Alunsina. Anong klase siyang asawa? Ilahad ito sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas. PANGKAT III: Sa pamamagitan ng flip-top, sagutin ang mga sumusunod na tanong: • Bakit nagkaroon ng hinanakit si Alunsina kay Tungkung Langit? • Tama bang maghinanakit si Alunsina kay Tungkung Langit? PANGKAT IV: Pagkumparahin ang banghay ng kuwento noong nakaraang lingo at kuwento natin ngayon. May

pinagkaiba ba ang daloy ng dalawang kuwento. Ilahad ito sa pamamagitan ng pag – uulat tulad ng sa 24 Oras. 2. Pag – uulat ng pangkat 3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral 4. Pagbibigay input ng guro B. Sintesis Sa inyong palagay, sa dalawang magkasunod na kuwentong ating natalakay (“Kung Bakit Umuulan” at “Alamat ni Tungkung Langit”), anong bersiyon ang mas naibigan ninyo? Ipaliwanag. IV.

Takdang Aralin 1. Paghambingin ang karakterisasyon kay Tungkung Langit at Alunsina sa dalawang bersiyon ng alamat.

Ikaanim na Linggo Ikalawang Araw

Ika–18 ng Hulyo 2013

Lingguhang Tunguhin a. Nakapaghahambing at nakapagtutulad ng mga katangian ng mga tauhan sa kuwento (PB1Bd). b. Nasusuri ang mga katangian at papel na ginagampanan ng bawat tauhan sa kuwento (PB1Bc) I.

Paksa Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Alamat ni Tungkung Langit” ni Roberto Añonuevo

II.

Balik – Aral Sa pamamagitan ng “Question and Answer Portion” ng tulad ng sa isang “Beauty Contest”, pipili ang mga mag – aaral ng mga tanong na nakasulat sa papel na may kaugnayan sa mga natalakay kahapon. Babasahin ang tanong at pagkatapos ay sasagutin ito.

III.

Pagpapayaman Bawat mag – aaral ay gagawa ng isang Venn Diagram upang paghambingin ang karakterisasyon kay Tungkung Langit at Alunsina sa dalawang bersiyon ng alamat.

TUNGKUNG LANGIT

ALUNSINA

Magkakaroon ng talakayan tungkol sa kanilang ginawang paghahambing. Tatalakayin ang pagkakaiba ng paglalarawan ng dalawang alamat kay Tungkung Langit at Alunsina. IV.

Pagpapalawig 1. Pangkatang Gawain PANGKAT I: Bakit kaya pinili ng may – akda ng “Alamat ni Tungkung Langit” na baguhin ang ilang katangian ng mga tauhan? Ilahad ang inyong sagot sa pamamagitan ng paraang interbyu. PANGKAT II: Sa pamamagitan ng isang talkshow, ilahad ang inyong sagot sa tanong na “Ano ang naging epekto ng mga pagbabagong ito sa pagkilala at pagturing ninyo sa mga tauhang ito?”.

PANGKAT III: Sa parehong akda, makikita ang papel ng kasarian sa ikinilos ng mga tauhan. Ano – ano ang mga ito. Ilahad ang inyong sagot sa pamamagitan ng isang dula – dulaan. PANGKAT IV: Sa pamamagitan ng pagrarap, ilahad ang inyong sagot sa tanong na “Sa kasalukuyang panahon, may epekto pa rin ba ang kasarian sa maaaring ikilos ng isang tao?”. 2. Pag – uulat ng pangkat 3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral 4. Pagbibigay input ng guro V.

Sintesis Bawat mag – aaral ay paghahambingin ang inaasahan na mga katangian ng kanilang kasarian at ang sarili nilang mga katangian.

Mga katangiang inaasahan sa akin batay sa aking kasarian

VI.

Sarili kong katangian

Takdang Aralin 1. Magtala ng mga bagay na maaari mong gawin bilang isang babae o bilang isang lalaki.

Ikaanim na Linggo Ikatlong Araw

Ika–19 ng Hulyo 2013

Lingguhang Tunguhin a. Nakasusulat ng talatang naglalarawan sa masining na paraan (PU1Bf). b. Nakapag – uugnay ng pinakamalapit na sariling karanasan o karanasan ng iba sa mga karanasang inilahad sa binasa (PB1Af). c. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa sariling buhay/buhay ng iba (PA1Ac/Ad). I.

Paksa Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Alamat ni Tungkung Langit” ni Roberto Añonuevo

II.

Balik – Aral Sa pamamagitan ng anyong pag – uulat (tulad ng 24 oras), ibabahagi ang mga natalakay kahapon.

III.

Pagganyak Magpapakita ang guro ng larawan ng mga sumisimbolo sa lalaki at babae. Mula rito, iuugnay ang ginawang takdang aralin tungkol sa mga bagay na maaari mong gawin bilang isang lalaki o bilang isang babae.

IV.

Pagpapayaman

1. Pangkatang Gawain Sa pamamagitan ng maikling dula – dulaan, ang PANGKAT I: bawat grupo ay magpapakita ng mga pangyayari sa PANGKAT II: PANGKAT III: kanilang buhay na tumatalakay sa paksang “Limitasyon PANGKAT IV: dahil sa kasarian”. 2. Pag – uulat ng pangkat 3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral 4. Pagbibigay input ng guro V.

VI.

Sintesis Ang bawat mag – aaral ay susulat ng isang talatang naglalarawan sa masining na paraan na tumatalakay sa mga pangyayari sa kanilang buhay o sa buhay ng iba na pumapaksa tungkol sa limitasyon dahil sa kasarian. Kasunduan Humanda sa pagsulat ng lingguhang output.

Ikaanim na Linggo Ikaapat na Araw 2013

Ika– 22 ng Hulyo

Lingguhang Tunguhin a. Nakasusulat ng talatang naglalarawan sa masining na paraan (PU1Bf). b. Nakapag – uugnay ng pinakamalapit na sariling karanasan o karanasan ng iba sa mga karanasang inilahad sa binasa (PB1Af). c. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa sariling buhay/buhay ng iba (PA1Ac/Ad). I.

Paksa Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Alamat ni Tungkung Langit” ni Roberto Añonuevo

II.

Balik – Aral Magbabahagi ang ilan sa mga mag – aaral tungkol sa kanilang ginawang talata kahapon. Mula rito papansinin ng bawat grupo ang mga ginamit na masining na paglalarawan.

III.

Pagtataya sa Pagtataya Pasusulatin ang mga mag – aaral ng isa hanggang tatlong talata na nagsasaad ng mga pangyayaring nagpapakita ng mga karanasan na maaaring nangyari sa kanilang buhay o sa buhay ng iba na pumapaksa sa limitasyon dahil sa kasarian. Ipaaalala ang paggamit ng mga paglalarawan sa masining na paraan upang makadagdag sa karikitan ng mga talata. Dapat ding tandaan ang pagsunod sa mga tuntunin at kayarian ng pagsulat ng isang talata.

IV.

V.

Rubriks  Masining na paglalarawan  Kaisahan ng pangungusap at talata  Malinaw ang diwang inilalahad  Wastong gamit ng bantas Kabuuan

25% 25% 30% 20% 100%

Takdang Aralin 1. Magdala ng iba’t ibang uri ng salamin. 2. Isulat sa kuwaderno ang gamit ng bawat uri ng salamin na iyong dadalhin.

Copyright © 2024 DOKUMEN.SITE Inc.